Studying Japanese-Filipino families for over 12 years now, I have encountered several methodological challenges, suggesting that the intimate sphere is a complex social phenomenon that involves traversing gender, ethno-cultural and legal terrains.
The first issue I came across was the contradiction between my set expectations for conducting this study and the realities I encountered in the field. In 2009, I initially proposed to examine the factors that lead to a successful marriage between Japanese and Filipinos with the hope of challenging the dominant literature positing that cross-border marriages are inherently problematic and unsuccessful. However, when I began doing my fieldwork, hopping from one church to another, from one venue of a Filipino community event to the next, most of the Filipinas I met were divorced, single parents. While there were a few Japanese spouses I met along the way, they were hardly involved in church services (they prefer to stay inside the car), and they do not always stay long during community events. The volatility of Japanese-Filipino marriages, or intermarriages with Japanese nationals, is evident in the statistical information on divorce rates. Divorce incidence was also higher in urban than in rural areas of Japan, suggesting that there exists geographical disparity. To fulfill my Master’s thesis, I ended up shifting to the topic of childrearing strategies of Filipina single mothers in Tokyo.
The second methodological challenge required understanding the personal and collective traits of Filipino women marrying and raising a family in Japan. By the time, I ventured in my PhD research in 2012, I continued making myself visible in the Filipino migrant community in Tokyo. Informed by Sikolohiyang Pilipino (Filipino Psychology), I reflected that a Filipino researcher in me should consciously strive to serve the interests of my Filipino respondents by adopting culturally informed ways of gathering information (Yacat 2013). It includes pagtatanung-tanong (asking around) with my key informants who are Filipino community leaders and church officers who refer me to mothers and spouses that I then invite to a pakikipagkwentuhan (exchanging stories) after several occasions of pakikisalamuha (act of mixing) with them. Having formed a growing personal network of Filipino mother-parent respondents over the years tremendously aided me to gain access to 1.5 and second-generation Japanese-Filipino children’s stories. They became the focus of my PhD thesis. I thus obtained the trust and cooperation of many of my child respondents through my Filipino mother participants. While the conventional snowballing technique also increased the number of my child interviewees, it was through the combined encouragement of Filipino mothers and Japanese-Filipino children that eventually linked me to Japanese fathers in my own research.
Of the six Japanese fathers interviewed in Tokyo between 2014 and 2016, I successfully interviewed three fathers in the presence of their wife, two fathers while the Filipina wife and children were around, and one widower interacted with me alongside his daughter. During the interview proper, Filipino spouses do not always interject, they sometimes find themselves helping their husband further explain the latter’s answers in Filipino, as well as validate and recall pertinent details (e.g. children’s birthdays and ages, year they met, wedding anniversary). Depending on their language ability, Filipinas may also aid in translating my questions given my limited proficiency. On the part of the children, sometimes they use the interview to ask questions they never had a chance to ask the father. The Japanese widow’s daughter, for instance, asked how he established his business in Tokyo and why it failed. While this technique strengthens my bond with the entire family and enhances their trust and cooperation, it prevents me from asking questions that Japanese fathers might be uncomfortable to answer in the presence of wife and children.
This research phase also takes me to the third related methodological issue: my positionality as a female, unmarried Filipino researcher. For a while, as a graduate student, I was able to reassure my Japanese father respondents of my credibility to do this research through being a PhD student from Waseda University. This was my symbolic resource that reinforced the recommending approval I received from my mother and child respondents. However, I still faced cultural and gendered concerns. I could neither bond with Japanese fathers over a drink at izakaya to gain their trust, nor simply have a one-on-one conversation with them in the evening (the time when they are available). I also have to be careful with the language use not only because my Japanese proficiency is limited, but also because I am aware of the gender difference in Japanese expressions. I am aware that the Sikolohiyang Pilipino approach to doing research will not work for Japanese fathers because the location and frequency of meeting them are not the same as I how I met and bonded with Filipina spouses in my study. From my conversations with Dr. Watanabe, my research colleague who has been interviewing Japanese fathers in Manila and Cebu, I have learned that Japanese men easily warm up to him. As a male researcher, he understands better the conditions for gaining their trust and cooperation and shares their experience of being married to a non-Japanese, something that I struggle to attain due to my position as a Filipina, single researcher. However, despite being able to communicate with them, he recognizes that sustaining the connection with Japanese men takes continuous effort as not all connections result in friendship.
The order of interviewing couples has opposing outcomes. The cooperation of Filipina wife is guaranteed if the Japanese husband is interviewed first. Whereas it can be easy to secure the participation of Filipino women in my previous MA research, they are not always successful at convincing their Japanese spouse to participate, the same way they struggle to integrate them into the migrant community life in Tokyo, or even their own natal family in the Philippines.
Interviewing Japanese-Filipino couples separately works through the collaboration between male and female researchers. If the study of heteronormative marriages takes a life course approach, such collaboration would be vital toward tracking the changes in the marital and family dynamics over time. Doing so would allow researchers like me to negotiate the linguistic, ethno-cultural, gender requirements of researching cross-border marriages.
Pagsasaliksik ng Personal na Buhay: Mga Isyu at Kabatirang Metodolohikal sa Pagsasaliksik ng mga Pamilyang Japanese-Filipino
Sa pag-aaral ng mga pamilyang Japanese-Filipino sa higit 12 taon, nakaranas ako ng ilang mga hamon sa metodolohiya na sumubok sa aking kakayahan. Pinatutunayan nito na ang pag-aaral ng personal na buhay ay kumplikado at malawak na penomena na nangangailangan ng masusing pagtatasa sa mga usaping tumatawid sa aspetong pangkasarian, kultural, at legal.
Ang unang isyu na aking kinaharap sa pananaliksik ay patungkol sa kabalintunaan sa pagitan ng aking inaasahan at aktwal na naranasan sa field habang nagsasaliksik. Taong 2009 nang magmungkahi ako sa aking thesis advisor na magsaliksik tungkol sa mga salik na nagbibigay-daan sa matagumpay na internasyonal na pag-aasawa, sa pamamagitan ng pagsusuri sa ugnayan sa pagitan ng mga Hapon at Filipina. Bunsod ito ng aking pag-uusisa kung bakit ang pangunahing literatura ay karaniwang inilalarawan ang mga internasyonal na pag-aasawa bilang problematiko at hindi matagumpay. Subalit nang magsimula na akong mag-fieldwork, patungo mula sa bawat simbahan, mula sa isang aktibidad na nilalahukan ng mga migranteng Pinoy sa Tokyo patungo sa isa pa, tumambad sa akin ang katotohanang maraming Pinay ay ganap nang diborsyada at solong magulang. Madalang akong makakilala ng asawang lalaking Hapon na naroroon man ngunit hindi naman halos gumaganap sa mga gawaing pangsimbahan, at hindi pa makitang nagtatagal sa mga aktibidad ng Filipino community (o FilCom). May katotohanan marahil ang mga naunang pag-aaral na humuhugot ng ebidensya mula sa mga datos na estadistika na nagsasabing isa ang pagaasawa sa pagitan ng mga Hapon at Filipina sa may mga pinakamataas na diborsyo. Mataas din ang insidente ng diborsyo sa bahaging urban tulad ng Tokyo kung ihahambing sa rural na rehiyon ng bansa, kaya merong heographikal na pagkakaiba ang dalawang konteksto. Kaya upang maitawid ko ang programang masterado, napagdesisyunan kong magpalit ng paksa. Pinili ko na lamang pag-aralan ang mga uri ng pagpapalaki ng mga solong Pinay na ina sa Tokyo.
Pangalawa, naging hamon sa aking pagsasaliksik ang nararapat na paraan sa pagkalap ng datos, mga naratibo mula sa mga Pinay na nanay na nagkakaiba-iba pagdating sa individwal at kolektibong katangian. Nang matapos ko ang masterado at nagsisimula na sa doktoradong programa noong 2012, tuloy-tuloy at walang tigil kong pinagsikapan upang lalo pa akong makilala sa FilCom sa Tokyo. Kinailangan kong gamitin ang Sikolohiyang Pilipino ni Virgilio Enriquez bilang gabay ko sa pagsasaliksik, kung saan binigyang diin nito na ang mga mananaliksik ng mga mamamayan at kulturang Filipino ay magsikap na itanyag ang pinakamahusay na interes sa pamamagitan ng paggamit ng mga konsepto at pamamaraang sensitibo sa kultura, kalinangan, at pagkakakilanlang Filipino (Yacat 2013). Kabilang sa iminungkahing pamamaraan ni Enriquez ay ang pagtatanung-tanong sa mga key informant na karaniwang ay mga lider at maytungkulin sa simbahan at FilCom upang mairekomenda nila ako sa mga nanay at anak. Matapos ang pagtatanong, pakikipagkilala at pakikisalamuha sa ilang okasyon, mahalagang maihanda ang sarili sa pakikipagkwentuhan na mas likas na gawain ng mga Pinoy matapos makapalagayang loob ang isang tao. Unti-unting lumaki ang network ko na binubuo ng mga nanay na naging daan upang makapag-interbyu naman ako ng mga anak nilang Japanese-Filipino. Sila ang naging paksa ng aking disertasyon sa Waseda University. Naging napakahalagang makuha ko muna ang tiwala ng mga ina bago ko matanggap ang pakikipagkaisa ng mga anak sa pag-aaral. Sa kalaunan, naging mabisa ang paggamit ng snowballing technique upang dumami pa ang bilang ng mga anak na nakilahok sa aking pag-aaral. Ang pinagsamang suporta ng mga ina at mga anak ang naging daan upang maisama ko sa pagsasaliksik ang mga tatay na Hapon.
Sa anim na asawang Hapon ng mga Pinay na nahanap ko upang kapanayamin sa pamamagitan ng rekomendasyon ng mga nanay at anak, tatlo dito ay matagumpay kong nakausap habang kasama ang kanilang asawang Filipina, dalawang tatay ay nainterbyu habang ang asawang Pinay at mga anak ay nakikinig, at isang biyudong Hapon ang nakausap ko kasama ng kanyang anak na babae. Sa panahon ng interbyu, malimit na hindi nakikialam ang mga asawang Pinay bagamat paminsan-minsan ay di nila maiwasang tulungan ang asawa nila sa pagpapaliwanag ng sagot sa akin gamit ang wikang Filipino, at upang klaruhin na din ang mga sagot at tulungan ang asawa upang maalala ang ilang mahahalagang detalye, katulad ng kaarawan at edad ng mga anak, ang eksaktong taon kung kelan sila nagkakilala, o anibersaryo ng kanilang kasal. Depende sa kanilang antas ng kakayahan sa Nihongo, may ilang Pinay na din ang di maiwasang isalin ang sagot ng o tanong ko sa kanilang asawa dahil na rin sa limitadong kakayahan ko sa pagsasalita ng wikang Hapon. Sa bahagi naman ng mga anak, nagiging instrumento ang interbyu upang magawa nilang makapagtanong sa ama ng mga bagay na di nila masabi o kaya wala silang pagkakataon upang itanong ito. Halimbawa ay yung anak ng biyudong Hapon na minsang tinanong ang ama kung bakit nagsara ang negosyo nito sa Tokyo noong araw.
Ang nabanggit na pamamaraaan ay mabisa upang lalo ko pang mapatingkad ang akin kaugnayan sa mga Pinay at kanilang asawang Hapon, at mapanatili ang kanilang tiwala at pakikipagkaisa. Subalit, ang ganitong paraan din ay limitado, dahil hindi ko magawang makapagtanong ng mga sensitibong tanong na maaaring di komportable ang mga Hapon na sagutin sa harap ng kanilang asawa at anak.
May kaugnayan ito sa ikatlong malaking isyu: ang aking posisyon bilang mananaliksik na babae at walang asawa. Sa simula, upang makuha ang kumpiyansa ng mga asawang lalaking Hapon, ginagamit ko bilang bahagi pagpapakilala ang pagiging estudyante ko ng Waseda University, isang prestihiyosong pamantasan sa Tokyo. Maituturing ko itong symbolic capital (Bourdieu 1986) na lalong pinaigting ang tiwala ng mga ina at anak na siyang nagrekomenda sa akin sa kanilang “haligi ng tahanan”.
Gayunpaman, hindi pa din ako ligtas sa usaping pangkasarian at kultural na sumasagka sa pagbuo ng matingkad na samahan sa pagitan ko at ng mga tatay na Hapon na nagnanais manirahan sa Tokyo. Hindi ako maaaring lumabas kasama nila sa izakaya at makipag-inuman. Hindi rin ako maaaring magtakda ng interbyu sa alanganing oras kahit pa malimit na gabi talaga umuuwi mula sa trabaho ang mga asawang Hapon. Kelangan ko ding mag-ingat sa wikang gagamitin sa pakikipanayan dahil bukod sa limitado ang aking antas ng Nihongo, alam kong may mga salitang ginagamit bilang ekspresyon ng kasarian na naghihiwalay sa mga kababaihan at kalalakihan. Kaya, hindi ko magagamit ang Sikolohiyang Pilipino nang basta-basta, dahil hindi ko din naman madalas na makausap at makasama sa mga programa ang mga tatay na Hapon, di tulad ng mga nanay na Filipina. Ayon kay Dr. Watanabe, aking kasama sa proyekto na nag-iinterbyu ng mga asawang Hapon sa Maynila at Cebu, madali para sa kanya ang makuha ang loob ng mga lalaking Hapon dahil bukod sa lalaki din sya, nakapag-asawa din sya ng banyaga tulad ng mga ito. Madaling makipag-inuman o makakwentuhan ang mga ito. Alam nya ang mga kondisyon upang maging komportable sila sa kanya (halimbawa nga ay pakikipag-inuman), mga bagay na hindi ko magagawa dahil sa posisyon ko bilang mananaliksik na babae at walang asawa. Gayunpaman, binigyang-diin ni Dr. Watanabe na katulad ng ibang respondente, magtatagal ang ugnayan nya sa mga asawang Hapon kung magsisikap syang mapanatili ang komunikasyon dahil hindi naman lahat ng koneksyon na nabubuo sa pagitan ng mga lalaking Hapon ay nauuwi sa pagkakaibigan.
Ang pagkakasunud-sunod ng pakikipanayam sa mag-asawang Pinay at Hapon ay minsang nauuwi sa dalawang magkaibang resulta. Malaki ang posibilidad na kapag ang asawang Hapon ang nagpaunlak ng interbyu, mahihikayat nyang magpa-interbyu din ang asawang Pinay. Subalit kung mauunang magpainterbyu ang Pinay, katulad ng nangyari sa aking research sa masterado, madalas na hindi nahihikayat ng mga ito ang kanilang asawang Hapon upang lumahok din sa pag-aaral, kung paanong hirap silang hikayatin ang mga ito na makilahok sa mga gawain ng simbahan o ng FilCom, o kahit kumonekta man lang sa pamilya nila sa Pilipinas.
Magiging matagumpay ang panayam sa mga heteronormative na pag-aasawang Pinay at Hapon kung sabay silang kakausapin ng lalaki at babaeng researcher. Kung ang ganitong pag-aaral ay gagamitan ng life course approach upang masuri ang mga pagbabago sa dinamiko ng buhay mag-asawa at pamilya makalipas ang ilang taon, magiging napakahalaga ng kolaborasyon ng mga babae at lalaking mananaliksik. Ang kanilang pagtutulungan ay magiging daan upang maayos na matugunan ang mga kondisyong pangkasarian at etno-kultural sa pag-aaral ng internasyonal na pag-aasawa.